Custom Search

Wednesday, April 1, 2009

REVIEW: Lysistrata

"Lysistrata"
Tanghalang Ateneo

Genre: Comedy / some musical
Director: Ricardo Abad / BJ Crisostomo
Original Story: Aristophanes
Translated by: Pete Lacaba
Cast: Maria Carissa A. Alejandro (Lysistrata), et. al

Rating: 8.5/10

This may be quite late for a review, but oh well, this is just the Fil paper that I made for it.

***

Sex as Art. Sex for Peace

Nitong mga nakalipas na panahong pangteatro, nagsulputan ang iba’t ibang mga dulang tumatalakay sa mas matured na nilalaman. Hindi rin ito nakalagpas sa Ateneo, datapwa’t isa itong akademikong institusyon na nasa pangangalaga ng mga paring Heswita. Nariyan ang “Fluid” ng Fine Arts Program; ang “Tarong” ng Entablado; ang “Bare” ng Blue Repertory; at kamakailan lang, ang “Lysistrata” ng Tanghalang Ateneo. Lahat ng mga nabanggit na produksyon ay may ekstensibong eksena patungkol sa pagtatalik at kung ano pang mga sexual acts.

Sa papel na ito, susuriin ang dulang “Lysistrata”, na hinango ni Pete Lacaba mula sa dula ni Aristophanes at sa direksyon ni Ricardo Abad at ni BJ Crisostomo. Bilang isang dula na may malaking pagtuon sa sex, maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang at intindihin para unawain ang dula higit pa sa pisikal na dimension nito.

Hindi patungkol sa sex ang pangunahing tema ng dulang “Lysistrata”. Ito ay kwento hinggil sa digmaan at kapayapaan at pakomedya ang pagtalakay sa mahahalay na eksena. Dahil sa hindi matigil na giyera sa pagitan ng Sparta at Atena, isang grupo ng mga maybahay mula sa Gresya ang nagtipon-tipon upamg mag-isip ng paraan kung paano nila maibabalik ang kapayapaan sa bayan nilang nasadlak sa dahas. Sa pamamagitan ng pinuno nilang si Lysistrata, napagkasunduan ng mga maybahay ng mga sundalong Gresyan na tatanggi silang makipagtalik sa kani-kanilang mga asawa hanngang hindi natatapos ang digmaan. Nagtago sila sa Acropolis at nang lumaon, inatake ng kalibugan ang mga lalaki at pilit nilamg kinukumbinsi ang kanilang mga asawa na lumabas na at bigyang-tugon ang mga pagnanasang karnal.

Sa conflict na iyon pa lamang, tumatatak na ang pangunahing isyu na bibigyang-pansin ng dula at ang resolusyon na magaganap ukol dito. Isa itog matingkad na halimbawa ng Feminismo dahil sa nabibigyang kapangyarihan ang mga babae laban sa kanilang mga asawa. Kung sa digmaan ay masasalamin ang “machismo” dahil panay mga lalaki ang kalahok sa giyera, iba naman ang nangyayari kapag nasa bahay na. Ang mga pagkakataon gaya ng pagtatalik ay patunay na kailangan ng mga lalaki ang mga babae upang makapamuhay sila ng maayos – at puno ng nag-uumapaw na ligaya. Sa usaping sex, parehong naipapakita ang kahalagahan ng lalaki’t babae sa isa’t isa. Syempre ba naman, mas masaya ito kaysa sariling sikap o magpakasilahis sa kapareho mong kasarian.

Nang mawala ang mga babae, hindi ito kinaya ng mga lalaki sa kadahilanang hindi napupunan ang kanilang pagnanasa sa sex. Sa pamamagitan ng pagtanggi sa kanilang mga asawa, naipakita ang kakayahan ng mga babae na maging independent sa kagustuhan ng kanilang mga asawa at ng patriarchal society na mayroon tayo. Kaya ng mga babae na bumalikwas sa nakagawian na at i-udyok sa lahat na meron din silang mga karapatan at kapangyarihan. Sa huli, natigil nga ang giyera at napatunayan ng mga babae na kaya rin nilang magdulat ng panlipunang pagbabago at kapayapaan sa kanilang bayan.

Ngunit may kinalaman pa din sa usaping Feminismo ang weak point na makikita sa dula. Parang nailalarawan ang mga babae bilang mga “kasangkapan” na lang para makipagtalik. Sa medaling salita, nagiging obheto na lamang ang mga babae at nawawalan ng saysay at halaga ang isang sagradong bagay gaya ng sex. Noong una na hindi pa pinagkakaitan ng mga babae and mga asawa nila ng pakikipagtalik, hindi pinapahalagahan ng mga lalaki ang mga babae at pilit binabalewala ang kanilang mga opinion at saloobin. Subalit nagbago ang ihip ng hangin simula nang nag-init amg mga lalaki at nahumaling sa kanilang mga sexual desires. Ang mga lalaki na ang naghahabol sa mga babae at nagmamakaawa sa kanila na punan ang kanilang pagkukulang. Lumalabas na handa lamang bigyan ng karampatang-pansin ng mga kalalakihan ang kanilang mga asawa kapag oras ng pangangailangan.

Isa pang kapansin-pansin sa dula ay kung paano tinahak ng produksyon ang mga maseselang eksena na tungkol sa sex. Kung tutuusin, halos buong dula ay parang ganoon nga. Gumamit ang director at manunulat ng mga devices upang hindi gaanong bastos ang labas ng dula. Kailangang “lambutan” ang ilang mga eksena dahil ang pangunahing tagapanood naman ng dula ay mga mag-aaral ng Ateneo, na ang iba ay mga minor pa o di kaya’y masyado pang inosente para tanggapin ang ilang mga realidad ng mundo. Sa pamamagitan ng komedya, nabalanse ng dula ang mga mahahalay na eksena nito. Imbis na “maganahan” o mandiro sa kung ano man ang nagaganap sa entablado, nagkakaroon ng kaunting pagkitil dito dahil sa mga linyang binigyan ng wit and humor.

Binigyang kulay din ang produksyon gamit ang mga malilikhaing bagay gaya ng entablado na sa unang tingin pa lang ay kita ang hulma ng mga ari ng babae at lalaki. May ibig ding iparating ang ubod nang laking mga penises at breasts. Nagkaroon din ng makabuluhang audience interaction dahil sa pagganap ng koro at paglapat ng awit at sayaw sa ilang parte ng dula. Ang mga ito ay nakabuti sa pagbibigay ng panibagong buhay sa natatanging likha ni Aristophanes at nabigyang-hustisya naman ito ng Tanghalang Ateneo dahil lutang ang layunin nilang bigyan ng bahid ng pagka-Pinoy and dulang Greko.

Ang pagsasadula ng “Lysistrata” ay isang magandand opurtunidad para sa mga manunuod nito, lalo na sa mga Atenista, na mabigyan ng bagong pagtingin hinggil sa maselang usapin ng sex. Sa postmodernong panahon, ang mga bagay na itinuturing na taboo noon ay dapat nang mabigyan ng kaukulang-pansin ngayon. Sa pamamagitan nito, mas lalawak ang kaalaman ng mga tao tungkol sa nasabing isyu at makatutulong sa kanila na gumawa ng mga responsableng desisyon nang hindi naisasakripisyo ang sariling prinsipyo at paninindigan.

1 comment:

  1. Giaan! OMG You write so well! Hahaha hands down!

    Btw, I got your link from your facebook, carlothewacko. Hahaha you're so cute.

    Your entry about your ex-bestfriend, who happens to be my ex-crush in elementary, kinda made me laugh a little. You prolly knew the stuff that Ira told me before about him. (During their fresh days in UP)

    And maaaaaan, I betcha summer 2009 is love, eh? You have some many beaches to visit ha. Inggit ako haha :))

    Anyway, I miss you! And Imma link you in my bloggie! :) See you soon.

    ReplyDelete